Whoa. Sa wakas tapos na UPCAT! Just took my UPCAT yesterday, and if you are to ask me how it was, IT WAS TIRING. Really. Hindi ko nga alam kung ilang nerve cells naglaho sa akin sa sobrang exhaustion at hirap na rin ng test. It was my first time in UP, and I was really excited to see my "dream campus."
12:45 p.m. I set foot on UP's grounds. Napilitan kami ni ate maglakad dahil sa dami ng tao, at nalula ako and natakot at the same time kasi feeling ko hindi ako papasa, sa dami ng matatalinong aplikante. At naglakad kami hanggang matahak namin finally yung Bocobo Hall (Law Center), ang testing center ko. At last! Natagpuan na namin yung Bocobo Hall! At habang paliko na kami sa isang intersection ng Regidor and OsmeƱa St., natapilok ako. Nakakatapilok kasi yung bricks sa sidewalk. At tamang tsempo, may nakakilala sa akin doon mismo sa scene na tumatayo ako mula sa pagkakadapa. Si Vida, classmate ko nung first year. She took the test. 6:30 am was her sched. At habang nagsisigawan kami, dahil hindi kami magkaintindihan dahil nasa tawid siya at may dumadaan na mga sasakyan at tao, tinanong ko siya kung mahirap. Mahirap daw. At kinabahan nanaman ako. Nagulantang ako sa nakita ko dahil ang daming tao.Nagpaalam na ako sa ate ko at pumasok na ako. Pumunta ako sa dulo ng pila na inaakala kong yun talaga ang dulo. Ang dulo pala ng pila ay dun mismo sa pinasukan ko. Matapos ay naghintay kaming mga examinees sa gilid ng building, at ako, sa tabi ng isang bangko at dispenser. Nasurpresa ako sa mga mag-eexam dahil ang inaasahan ko eh mga kabado, mga nag-rerecall ng mga formula at kung ano pang klaseng pagrereview. Humanga ako dahil hindi sila nagrereview. Natuwa ako dahil may sumunod sa pila, na nag-aakala din na iyon ang dulo. Nanghiram siya sa akin ng sharpener, mukhang hindi niya natasahan yung Mongol #2 pencil niya sa bahay. At ayun, finally, pinapasok na kami ng building. Naghiyawan ang mga kasama ng mga examinees sa pagpunta ng mga wishes of good luck. Nakapasok na ako sa isang classroom na medyo madilim, pero malamig. Hindi na ako nagrecall ng kung anu-ano pa dahil sabi ni papa bale wala din ang mga last-minute na review.Matapos ay pinahugot sa amin ng proctor yung "Instructions Manual" daw. Natawa kami dahil sa front cover nito ay may sample ng test permit, na nagngangalang Leonardo na may picture ng pagmumukha ni Dao Ming Su. Natuwa ako dahil hindi lang pala ako ang naka-appreciate nito dahil narinig ko ang iba na ngumingising patago. At inumpisahan na ang pagdi-discuss ng instructions na paulit-ulit, na inabot ng isa't kalahating oras. Sa wakas, test na. Nagdasal ako ng kaunti pagkatapos ay sinimulan ko na yung test. Ang first test ay Language Proficiency. Madali lang naman, kaya lang hindi ako natapos. May 3 items pa na hindi ko nasagutan dahil kulang sa oras. Sumunod ang Science. Habang nagte-test, maririnig mo ang iba't-ibang tono ng pag-ubo, pag-singhot, tsaka tunog ng mga balot ng pagkain na dala ng mga examinees, pati amoy kasama na rin. Matapos ay pinatayo kami mula sa aming pagkakaupo, buti yun kasi halos 4 hours na kaming nakaupo. Sumunod na test ay Math. Dinugo talaga ako dun. Ang hirap. Mangilan-ngilan lang ang mga lumabas na ni-review ko. Tulad na ratio, proportions, word problems. Ginawa ko ay sinubukan kong i-solve, tapos kung ano ang malapit na sagot yun yung sagot ko. Pero yung mga hindi ko talaga alam, ay iniwanan ko na lang blangko. 1/4 of wrong answers will be deducted to right answers eh. Inclusive doon yung wrong answers ha. Tapos yung iba, hinulaan ko, kasi yung iba naman ay masasagutan mo ng hindi gumagamit ng scratch paper. Final part na ng test. Yehey.Kaya lang inantok ako. Kaya nagpakalunod ako sa isang bote ng Goldilock's Purified drinking water.Enjoy yung last part kasi Reading comprehension. Natutuwa ako sa mga selections, ang gaganda. Kasama dun yung tungkol kay Cory Aquino, yung scientific studies tungkol sa Iguanas ng Guadalupe, Terorismo. Meron pang poems tungkol sa Filipino dialects, natatandaan ko dun merong "evun" at "itlog" "Batanes" at "Jolo." Yung last selection, tula din. Tungkol yun sa isang tao na nagpapalipas ng oras sa mall, tapos frustrated siya kasi wala siyang magawa, wala kasi siyang pera tapos way niya yun para makatakas sa problema. Nag-enjoy talaga ako. Hay, 6:00 pm natapos yung test. To conclude, maayos naman, maliban sa part ng Math. Iniisip ko nga kung natuyuan ng myelin sheath yung mga neurons ko, kasi hindi nagfunction ng maigi utak ko. haha. Tapos ay lumabas na ako, huminga ng malalim at nilanghap ang nakakarelaks na hangin ng UP greenery. Nakita ko yung ate ko na matsagang naghintay sa labas ng halos 5 hours para sa aking pagbabalik. Kinuwento ko sa kanya lahat-lahat. Sa jeep, naramdaman ko rin ang gutom. Hindi kasi ako nakakain habang nagte-test dahil sa kulang sa oras. Ayun, pagkadating sa bahay, may konting salu-salo (advance party daw para sa pagkakapasa ko sa UP. nye.) Natutuwa naman akong malaman na madami akong well wishers. Nagtext daw yung tita ko na nagpe-pray sila para sa ikapapasa ko, at kinamusta ako ng isa kong tita. At nakuha ko pang manood ng Ratatouille na DVD, at ayun, bagsak sa pagod.Mahirap pala sa Diliman. Ang layo. Buti UP Manila first choice ko. Pero masaya maging estudyante ng UP. Sana talaga makapasa ako. Hay..thank you Lord! BTW, I was informed, 55,000 daw ang applicants this year. Talk about big.
0 Comments:
Post a Comment