18 May, 2007

all the girls stepped out on a public affair!

first post! hehehe..masaya naman itong araw na ito...pero lintek wala akong tulog, ewan ko ba, nakatulog ako ng sandali pero napakabawbaw lang...kamusta naman 3 o'clock na ako nadesisyon na matulog na...ngunit hindi ako nakatulog..what the hell..sa pagkakaalam ko, wala naman akong inaway at ganoon na lang ang pangbabagabag ng konsensiya ko at ayaw ako patulugin...wala naman akong iniisip ng mga oras na iyon kung hindi ang pagnanais na matulog. At pinagdasal ko din kay Lord na sana makatulog ako pero hindi pa'rin ako nakatulog. Ay nako, parang insomnia. At isinet ko pa ang alarm clock sa cellphone para magising ako sa tamang oras para makapagprepare ako sa lakwatsa namin ng stitches. Sa kasamaang palad nauna pa ako kaysa sa alarm clock.

Hmmm...masaya naman ang lakad namin..medyo nakakapagod, pero masaya. Nagpunta kami sa SM Manila, dahil nagblowout si Alynette dahil birthday nya kahapon..(nay, happy birthday ulit!). Mga kasama nga pala ay ako, si nay nette syempre, si hanna na ang bahay ang nagsilbing meeting place, si
gena na ang tagal!, si stela, at si anna na galing sa review Itrinit nya kami sa KFC, at ako ang nagsilbing tagaorder, tagabudget, at tagarequest ng kung anu-ano. Nilapang namin ang isang variety bucket meal, at naubos naman namin, maliban sa macaroni salad and sa bucket na inuwi pa talaga ni nay nette dahil collection nya yata yun. ewan ko ba..may pagkaweird din sya, sa kanya ko yata namana, success dahil pare-pareho kaming gutom. At pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa cinemas at bumili ng ticket to watch Spiderman 3. Ay hindi pala, nagpaikot-ikot pa kami sa department store at hinanap ang baggage counter para i-deposit yung mga dala ni Anna from her review, ang take-home na bucket ni Nette, at ang bote ng C2 ng Stitches na iuuwi ni Gena na kinocollect namin. (ay oo nga pala, yung C2, favorite namin yun, and whenever we're together outside the school, we usually buy a big bottle of C2 and share kami lahat, no it's not unhygienic, may straw naman, and besides, sigurado naman akong wala silang sakit and nagtootoothbrush naman kaming lahat!) Pagkatapos nun, we went straight na sa sinehan! yay! bumili kami ng ticket, at nagtrip nanaman kami at nagbalak magpapicture with a lifesize poster ni Shrek, pero buti hindi nila tinuloy kasi ang dami na naming audience bago pa man kami tumuntong sa sahig ng SM manila. We found ourselves seats sa pinakataas ng cinema 4.It was sooo nice because it wasn't too cold in there, and we're able to get our legs stretched at nakataas pa nga sa mga seats na nasa harap namin. It was my first time to watch Spiderman sa sinehan..Because before I was not interested kasi puro action and all.. kilala nyo naman ako, no to violence, hahaha! Wow, super naoverwhelm ako sa animation and effects! super galing! And I'm wondering, kung tunay na boses yun ni Kirsten Dunst yun?super galing nya! (kung sya nga talaga yun?)Voila! nasagot na katanungan ko!..according sa interview ni Kirsten sa http://www.indielondon.co.uk/ sya talaga yun! galing naman may voice pala sya! Maganda yung story! I won't spoil it out baka hindi nyo na panoorin! hehehe! sobrang naawa ako kay Peter Parker nung umiyak sya nung nirereminisce nya yung death ng Uncle Ben nya! sobrang nakakaawa kapag boys umiiyak..hahaha! Meron part dun na nasa bed sya, tapos nakikinig lang sya dun sa radio nya, tapos nakatulala...wow, naalala ko tuloy si Richard Collier (Christopher Reeve) sa Somewhere In Time! hehehe

basta, at the end of the day, I found myself a new crush..hehehe! Si James Franco..Siya si New Goblin/ Harry Osborn na bestfriend ni Peter Parker..hahaha! pagkauwi ko, sinearch ko kagad sa internet kung sino sya! eto pala sya oh!

*Si Harry Osborn (James Franco) na pinapanood si Mary Jane Watson in a performance

Spiderman3 quotable quotes:
"every hero has a choice to face his darkness or be consumed by it"
"revenge is like a poison that can take us over and before you know it, it can turn us into something ugly
"

Thanks po pala kay nay nette sa blowout, and kila Hanna,Anna,Gena,Stela, sa pagspend ng time! sa uulitin!
Hanna, baka kung ano nanaman ang makita mo! (If you know what I mean!)
btw, nakita namin si Sir Amil Barcelon (ang hearthrob ng Loreto SY 05-06!) and si Ms. Bacugan sa SM! uiii..date?!hehehe!




0 Comments: